Mas gusto ko muna ikutin ang Pilipinas bago ibang bansa.
Ngayon yan ang pananaw ko. Dati kasi parang deadma lang, yung tipong gusto ko mag ibang bansa para sosyal/astig. Meron na nga akong passport e,para maka work abroad o para pumasyal.
Isang araw may site akong nabuksan sa Facebook, nakita ko yung magandang beach. Sobrang linis ng paligid,whitesand, blue green ang kulay ng dagat. Sabi ko san kaya ito? parang paraiso. Calaguas Island ang tawag sa kanya. Para syang Boracay but less people. Hindi pa kasi ito natatayuan ng mga hotels and other establishments sa paligid.
ito naman ay makikita sa ibang parte naman ng Pilipinas,sa CEBU Malapascua Island ang tawag sa kanya.Maliban sa Malapascua Island, meron ding Bantayan Island, Carnaza Island, Panglao Island at Pagudpud naman sa Ilocos Norte.
Ilan lang yan sa 7,107 na Isla sa bansa natin.
-
leileibunz liked this
-
jacejamer posted this


